Anong Dapat Gawin Sa Iyong Mid-Year Bonus?

Karamihan (hindi lahat) sa mga kumpaniya dito sa Pilipinas ay nag bibigay ng mid-year bonus tuwing Mayo o Hunyo, depende sa schedule ng kumpanya. Sa kumpanyang aking pinag trabahuan noon, ang mga empleyadong nasa kategoryang “Nanay at Tatay” ay talaga namang naka-abang kung kailan ba talaga makukuha ang nasabing bonus dahil ang Mayo at Hunyo ay panahon din ng enrollment ng kanilang mga anak. Ang mga nasa kategoryang “young single professionals” naman ay may kaniya-kaniyang plano ng bakasyon o bibilhing bagong gadget. May ilan din namang iniisip muna ang pagtulong sa kanilang pamilya. Bawa’t isa ay may kaniya-kaniyang plano ngunit hindi ba mas magandang pag-isipang mabuti bago gumastos? Ikaw, isa ka ba sa mga makakatanggap nito? Ano naman ang balak mong gawin sa bonus mo? May mga ilang tips ako upang may magandang pagkapuntahan ang iyong bonus na pinaghirapan.

  1. Mag tabi ng konting porsyento ng iyong bonus para sa iyong offering o abuloy o kung ano man ang tawag nyo dito. Tandaan ang blessings mo ay madodoble kung ito ay ibinabalik mo sa Tunay na nagbigay.
  2. Mag bayad ng utang – kung ikaw ay may mga pagkaka-utang, mas maiging bawasan ang mga ito, kung hindi man kayang bayaran ng buo. Upang hindi na lumaki pa ang interes (kasama na dito ang utang sa credit card), at para hindi naman mainis ang pinagka-utangan mo. Sa tingin mo matutuwa ba silang makita kang nag selfie habang nagbabakasyon o nag selfie hawak ang iyong bagong gadget samantalang hindi ka man lang nagparamdam sa kanila? Tandaan, sa oras ng kagipitan sila ang iyong nilapitan at hindi ka nila hinindian. Respetuhin mo sila, para makaulit ka pa 🙂
  3. Maglaan para sa mga gastusin ng pamilya. Kabilang dito ang edukasyon ng mga bata, pag-papaayos ng bahay (tulad ng bubong lalo na palapit nanaman ang tag-ulan), at emergency fund para sa mga hindi inaasahang gastusin tulad ng pagkakasakit.
  4. Mag-isip ng pagkaka-kitaang maaring paglagyan ng iyong pera gaya ng:
    • Maari kang mag negosyo, kung walang experience mas makabubuting humanap ng mga FRANCHISE business na kaya ng budget mo. Ang kagandahan nito ay may sistema na sila na susundin mo na lang. TIP: pinaka in-demand ang Food Franchise dahil lahat ng tao ay kumakain. 🙂
    • Maari kang sumali sa mga kooperatiba na malapit sa inyong lugar. Siguraduhing maganda ang sistema at i-check ang history kung matatag ba ang kooperatibang sasalihan mo. Kadalasan ay maliit lang ang kapital na kailangan para makasali at napaka daming benefits para sa mga miyembro. Karaniwan sa mga ito ay Capital Share – na pwede mong utangin kapag ikaw ay nagipit (napaka baba ng interes ng loan sa mga kooperatiba kung ikukumpra sa Bangko, SSS, Pag-ibig at siyempre sa 5-6), Savings Benefit, Damayan – para sa di inaasahang pagpanaw makaka-tanggap ka ng tulong mula sa kanila at sa mga miyembrong katulad mo.
    • Kung iniisip mong maglagay ng pera sa Bangko para kumita ay huwag na. Bago pa kumita ang pera mo sa bangko mababa na ang halaga nito dahil sa “inflation“. Mas magandang mag hanap ka na lang ng ibang paraan gaya ng:
      • Mutual Fund – ito ay ang pag iinvest ng iyong pera sa iba’t-ibang investments gaya ng bonds (utang ng mga kumpanya o gobyerno), stocks (stocks ng iba’t-ibang kumpanya atbp.). Sa halagang Php5,000 maari ka ng magsimulang mag invest sa Mutual Fund.
      • Stock Market – ito ay ang direktang pag-iinvest ng iyong pera sa stock market gamit ang sistema ng mga kumpanya gaya ng Philstocks, COL Philippines, etc.. Katulad ng Mutual Fund sa halagang Php5,000 ay maari ka ng magbukas ng iyong sariling “Portfolio”, ang kaibahan nito sa Mutual Funds ay ikaw mismo ang mag-aasikaso ng investments mo, sa Mutual Fund kumpanya ang gagawa nito para sayo. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito magandang panoorin muna ang mga videos sa Pesos and Sense para magkaroon ka ng ideya tungkol dito.
      • Kumuha ng Variable Life Insurance (VUL) – ito ay ang isang klase ng life insurance na may kasama ng investments. Ang kagandahan nito wala ka ng aalalahanin dahil sakaling may mangyari sayo, may insurance ka na may investment ka pa. Hindi katulad ng dalawang nauna na kapag ikaw ay namatay, o naaksidente at hindi ka na makapag trabaho wala na ding magtutuloy ng investment mo. Kailangan mo lamang pumili ng tamang Financial Adviser na magmamalasakit sayo, at hindi lang sa perang ibabayad mo. As low as Php1,500 ay pwede ka ng magkaroon ng VUL.
  5. Ibili mo ang sarili mo ng bagay na sa tingin mo ay deserve mo naman dahil sa iyong pagttrabaho ng maayos. Huwag lang yung masyadong mahal na baka naman kulang pa ang bonus mo pambayad dito.

Ang mga sumusunod naman ay ang mga bagay na hindi magandang gawin sa iyong pinaghirapang bonus:

  1. Manlibre ng manlibre, mag-painom at ikaw lagi ang taya. Ang saya ng mga kaibigan mo, siyempre ikaw masaya din kaso kinabukasan halos ubos na ang pera mo. Tandaan hindi araw-araw may bonus ka. Wag  magpadala sa mga kantiyaw, maging wais ka, malamang yang mga kaibigan mo nakatanggap din ng bonus so mag hati-hati kayo kung gusto nyo mang mag celebrate.
  2. Huwag mangutang dahil inaasahan mong makakatanggap ka ng bonus at ito ang iyong ipambabayad, pano kung ang bonus mo ay hindi ganoon kalaki sa uutangin mo? Mas magandang hintayin na lang ang bonus saka ka mag budget.
  3. Huwag bumili ng sobrang mamahaling mga regalo. Maging praktikal lang.

Ikaw anong gagawin mo sa bonus mo?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s