Sa Pag-ihip ng Hangin

Sa pag-ihip ng hangin

Diwa ko’y naglalakbay na rin

Patungo sa lugar na ikaw lang at ako

Sa mundong sadyang binuo ko.

 

Kasabay ng paghuni ng mga ibon

Tayo’y magkasamang naglalakad sa biyaya ng panahon

Masaya sa bawa’t oras na lumilipas

Ramdam ang pagmamahalang walang katumbas.

 

‘Di na nais na bumalik pa

Sa realidad na ikaw at ako’y walang pag-asa

Kaya’t nagdadasal na sana’y tangayin

Sa bawa’t pag-ihip ng hangin.

 

Ngunit ang katotohana’y ‘di matatakasan

Na ikaw at ako’y sa pangarap ko lamang

Sa mundong iyo’y matatagpuan

Ang tunay kong kaligayahan.

 

Kaya’t sa bawa’t minutong lumilipas

Sumasabay sa bawa’t kumpas

Sa pag-ihip ng kaibigang hangin

Dahil mo ako sa mundong para sa akin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s