Kahit Isang Saglit

Masaya ‘ko pag nakikita kita

Mas masaya pag kinausap mo na

Nais kong sabihing “dito ka lang muna”

Ngunit ang kaya ko lang ay “ingat ka.”

 

Gusto kong samahan ka kahit saan

Pero sa loob ko’y may pag-aalinlangan

Paano kung nais mong mapag-isa?

Paano kung hindi ako ang gusto mong kasama?

 

Ibig kong punasan ang pawis sa iyong noo

Ngunit ‘di ko maisip kung paano

Gusto kong pagsilbihan ka hangga’t kaya ko

Ngunit hanggang paalala lang ang maaring ibigay sayo.

 

Pinangarap kong sabihing “mahal kita”

Kayalang dumating siya at napangiti ka

Tuloy ang nasabi ko na lang ay “kumusta ka?”

Bigla kang sumagot.. “siya na, siya na talaga.”

 

Masakit pero ‘di ko magawang magalit

Ngiti mo lang, ito’y sapat ng kapalit

Mangangarap nanaman ng paulit-ulit

Na mamahalin mo rin kahit isang saglit.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s